Start Planning
Araw ni Ninoy Aquino

Araw ni Ninoy Aquino 2025, 2026 at 2027

Idinaraos ang Araw ni Ninoy Aquino tuwing ika-21 ng Agosto upang gunitain ang buhay at kamatayan ni Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Si Senador Aquino, kasama ang kaniyang asawang si Corazon, ang nanguna sa pagtataguyod ng modernong demokrasya sa Pilipinas.

TaonPetsaArawPista Opisyal
202521 AgoHuwAraw ni Ninoy Aquino
202621 AgoBiyAraw ni Ninoy Aquino
202721 AgoSabAraw ni Ninoy Aquino
Mangyaring mag-scroll sa ibaba ng pahina para sa mga petsa ng nakaraang taon.

Noong 1972, napailalim ang Pilipinas sa batas militar ni Pangulong Ferdinand Marcos, na naging dahilan upang maudyok siya bilang diktador. Marami ang naniniwalang pinagtibay lamang ng batas na ito ang pagpapanatili ng kapangyarihan ni Marcos, ngunit pinangatwiranan ito na ang pagpapatupad ng batas ay upang maprotektahan lamang ang bansa mula sa komunismo at kaguluhan ng mga tao.

Sa panahong ito, ikinukulong ng militar ang sinumang hayagang tutuligsa kay Marcos. Marami ring pampublikong institusyon ang ipinasara. Sa kalaunan, napatunayan na inabuso ng militar ang karapatang pantao, at dumanas ng matinding pagbaba ang ekonomiya ng Pilipinas.

Mainit na kritiko ni Marcos si Senador Aquino kaya ipinakulong ito ng diktador. Noong 1980, inatake sa puso si Aquino at pinahintulutang pumunta sa Estados Unidos upang magpagaling. Dito ipinagpatuloy ng senador ang pagtataguyod sa kalayaan ng mga Pilipino.

Nagpasyang bumalik sa Pilipinas si Aquino noong 1983 para hamunin si Marcos sa eleksiyon ng 1984, batid na maaaring ikamatay niya ito. Noong ika-21 ng buwan, lumapag siya sa Manila International Airport ng siya ay pinatay na pinaniniwalaang sa utos ni Marcos. Ang pangyayaring ito ang nagdulot sa pagbagsak ni Marcos at sa pagkapangulo ng asawa ni Aquino na si Corazon.

Unang ipinagdiwang ang Araw ni Ninoy Aquino noong 2004 matapos ideklara itong opisyal na pista o holiday ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang araw ng paggunita sa anibersaryo ng kaniyang kamatayan. Ang opisyal na pistang ito ay bahagi rin ng programang “holiday economics” ng pangulo upang paigtingin ang turismo sa Pilipinas.

Bilang espesyal na araw ng pahinga sa trabaho, hindi makatatanggap ng bayad sa araw na ito ang mga empleyadong nagpasyang hindi pumasok sa trabaho o hindi itinalagang magtrabaho. Makakatanggap naman ng karagdagang 30% ng kanilang sahod kada oras sa bawat tinrabahong oras ng mga empleyadong papasok.

Nagsasagawa rin ang EDSA People Power Commission (EPPC) ng mga aktibidad sa araw na ito upang gunitain ang pagpupunyagi ni Aquino para sa demokrasya. Ang mga aktibidad na ito ay pinopondahan ng Tanggapan ng Pangulo at ng mga pribadong donasyon.

Nakaraang mga taon

TaonPetsaArawPista Opisyal
202421 AgoMiyAraw ni Ninoy Aquino
202321 AgoLunAraw ni Ninoy Aquino